Hindi naman ako maganda. Kadalasan kasi sa mga magaganda sikat ang kaibigan ng lahat. Hindi din ako kabaitan. Madalas ung mga sama ng loob k sa isang tao, sinasarili ko na lang. Parte ng pinasok kong field ang pag intindi sa mga tao. Ni sa internet, di talaga ako peymus. Sa totoo nga lang palagay ko maraming galit sakin. Tipong minsan hindi ko alam kung bang may tunay ba akong mga kaibigan. Siguro kasi wala sa personalidad ko ang pagiging sobrang jolly pero sweet naman ako sa kaibigan. Madalas parang nanlilimos ako ng atensyon at pag mamahal sa kaibigan kasi naman, pag dating sa bahay wala naman umiintindi sakin. Panganay ako. Ang mom ko nasa ibang bansa, at ang daddy ko wala na. Sa bahay lola at lolo ko lang kasama ko pati tita at kapatid kong bunsong babae.
Bakit ko nga ba sinasabi ang lahat ng to tungkol sakin, siguro kasi paminsan minsan gusto ko sanang maintindihan din ako ng mga tao. Kung bakit ako ganito. Di ko man masabi sakanila ung nararamdaman ko, sa ganitong paraan baka mailabas ko.
10 katotohanan tungkol sakin.
- Tamad ako mag text.
- Adik ako sa internet. Sa halos lahat ng sikat na social networking sites, may account ako.
- Hindi ako Tumblr famous. At hindi din ako sikat sa mundo ng Twitter.
- Kadalasan offline yung chatbox ko sa FB, pero makikita nyo ko lage s amundo ng Twitter.
- Hindi man halata pero palaaral ako. Katunayan, dalawa ang course ko. BS Biology at BS Psychology.
- Mahilig ako sa mga bata. Kaso pag maldita ang bata, maldita din ako.
- Nagsusuot ako ng eyeglasses pag nagbabasa.
- Gala ako. Gusto ko gumala lage medyo di rin ako mapakali sa bahay.
- I make friends. Hindi ako snob.
- MAGANDA AKO! :))
Nasabihan po ako ng, nagtatrabaho sa PEGASUS. dahil sa pic na to :)) HAHAHA. Kainis si Tita.
Hi tita, Miss ko na din si daddy :( Ung bawat iyak at tawa nanangyayare sa araw araw ko, sana nakikita nya. Sana nakita niya kung paano ako lumaki, nagkaisip. Kung anong itsura ko. Sana proud siya saken
Summer 2012
Dahil matagal akong nawala, at summer nanaman. Nawala na halos kalahati ng followers 900 dati, ngayon 350 na lang :| At dahil bakasyon nanaman, may bago nanamng storya ang summer ko dahil sa lahat ng summer, nagkakaron ng storya. May mga saya padin at lalong may mga sakit. Anyway, all over the summer, i will post my experiences ng buong 2nd year ko.
So natawa talaga ako nung nakita kong trending si ‘Mang Carding’ :)) E kasi naman yun yung tawag sa Lolo ko. Haha naisip k tuloy, susyal naman yung lolo ko natretrend pa :D:D Haha Naloka talaga ako nung nakita ko yun. Gusto ko sabihin sakanya kaso tatawanan lang ako nun. Di naman niya alam yung mg aganun ganun. Haha trololol
Birthday Full of Surprises.
Naisip ko lang ung Birthday ko. Next month na yun e. Gusto ko talagang magpainom sa mga kaibigan ko. At paghahandaan ko talaga ng husto yun. Gusto ko magkaron ng surprise thingy na mangyare. Yung tipong maiiyak ako sa pagkagulat. Yung tipong nangayare lang sa pelikula. So, eto nanaman ako, naiisip pelikula nanaman ako. Panu kasi, nanuod ako kanina ng pelikula ni John Lloyd. Wala lang. Sobrang sinurprise niya yung girlfriend niya. Pinapunta ni JL ung girlfriend niya sa isang parang condo or kwarto or bahay yun. Tapos, kala nung girlfriend niya, wala lang. Tas biglang may surprise, andun pala ung iba niyang kaibigan sobrang shocking. Haha nakakatuwa lang. Sana ung mga kaibigan ko surprisen din ako ng ganun. *ASA* :)) Kahit sulat nalang from them okay na ;))
utak pelikula talaga ako. nakakainis lang.
HAHA

Gahd, 2 weeks away na lang, start na ng class. So kailangan ko na ule matuto magsulat instead na magtype ng mag type dito.

Hello penmanship!
10 katotohanan tungkol sakin.
- Tamad ako mag text.
- Adik ako sa internet. Sa halos lahat ng sikat na social networking sites, may account ako.
- Hindi ako Tumblr famous. At hindi din ako sikat sa mundo ng Twitter.
- Kadalasan offline yung chatbox ko sa FB, pero makikita nyo ko lage s amundo ng Twitter.
- Hindi man halata pero palaaral ako. Katunayan, dalawa ang course ko. BS Biology at BS Psychology.
- Mahilig ako sa mga bata. Kaso pag maldita ang bata, maldita din ako.
- Nagsusuot ako ng eyeglasses pag nagbabasa.
- Gala ako. Gusto ko gumala lage medyo di rin ako mapakali sa bahay.
- I make friends. Hindi ako snob.
- MAGANDA AKO! :))
