Sawaan, sa mahabang samahan.
Minsan talaga dumadating sa relasyon yan. Wala tayong magagawa kundi humanap ng bago para mag boom ule yung relasyon.
Yung tipong nasa atin na ang lahat, pero di padin tayo kuntento.
Kahit buo naman ang pamilya natin, nakakakain naman tayo ng 3 beses sa isang araw at sobra pa kung minsan, nakakapag aral naman tayo, nakatira sa mabango at comportableng tirahan, madami naman tayong kaibigan, may masayang pamilya na mahal na mahal ka, maayos din naman ang grades, may cellphon at kung ano ano pang gadgets, may boyfriend/girlfriend naman tayo at kung iisipin mo sa ganitong klase ng buhay ay dapat masaya na tayo.
Pero bakit hindi padin tayo makuntento. May hinahanap padin tayo sa buhay natin na parang di natin makita.
Tipong ang lahat ng kasayahan sa mundo ay panandalian lang. Sa una, matutuwa ka sa bagong iphone/ipad/etc. kalauan magsasawa kadin. Kikiligin ka sa bago mong girlfriend/boyfriend, pag tumagal parang normal nalang ang lahat, Makukuha mo yung grades mo at makikitang mataas pero ilang linggo lang mahahalimutan mo na ito. bakit ganun.
ANONG KULANG?
Gutso ko lang naman maramdaman na importante ako. Gusto ko lang naman maranasan na pinapahalagahan ako ng isang tao. Hindi nila ako kayang mawala. Hinahanap hanap nila yung attensyon na naibibgay ko. May magaalala sakin. May magaalaga. May magmamahal. Gusto ko lang naman may matuwa pag kinukulit ko sila, may kinikilig pag nilalambing ko sila. Gusto ko lang magkaroon ng isang tao na hahanap hanapin at pahahalagahan yung presensya ko..
badboyvernon replied to your post: 2 weeks lang ako nawala, dami na nag unfollow.
para malaman mo kung sino ba ang nagstay talaga at nandyan ng matagal para sayo hahaha
And you stayed :)) HAHA. oo nga e. Pero okay lang, di naman ako nandito para magpadami ng followers:)


